BALITA: Paglulunsad ng Math Month 2022
Ipinagdiwang
ang paglulunsad ng Math Month noong ika-4 ng Enero 2022, ito ay may temang
“Thriving Mathematics in the New Normal: Turning Challenges into Opportunities
of Learning and Enjoyment.” Live itong ginanap sa Facebook page ng Timoteo Paez
Integrated School.
Nagsimula
ang palatuntunan mula sa pambansang awit na sinundan ng taimtim na panalangin ng pangalawang pangulo ng Math Society na si Angela Mae B. Mojica na
mula sa baitang siyam. Nagbigay naman ng pambungad na pananalita ang pangulo ng
Math Society na si Christel Edryna Muego na mula sa baitang 10.
Nag-iwan
naman sa lahat ng mensahe ang ating punong-guro na si G. Sonny D. Valenzuela,
gayon din ang Superbisor sa Programang
Edukasyong Sipnayan na si Gng. Remylinda T. Soriano, nagbahagi
rin siya ng maikling mensahe na nanghihikayat sa mga Paezians na
matuto at huwag matakot na tumuklas ng mga bagay-bagay sa matematika.
Matapos
nito, sinundan ng iba’t ibang paligsahan na maaring lahukan ng mga mag-ang
matematika. Ang mga nasabing paligsahan na ito ay ang Math Poem, Math Vlog,
Geomarthistic/ (Math Junk Art), Digital Poster Making, Math Dance, Math Tiktok,
Math Jingle, Math Song, at Math Hula.
Sa huli ay
pinakita naman ang larawan ng Puno ng Kagawaran ng Sipnayan na si Gng. Melody P. Rosales na sinundan ng
mga guro sa nasabing kagawaran, mga gurong komite sa palatuntunan at mga
organisasyon na may kinalaman sa matematika ng T. Paez Integrated School.
Ipinakilala rin sa huli ang pamunuan ng Math Society.
Natapos
ang programa sa isang pangwakas na pananalita na mula kay Lj S. Francisco mula
sa baitang 10 na pangulo ng Math Gamers Club.
Sinulat nina: Angela Mae
Mojica at Ashlien Joy Vidaña
Comments
Post a Comment