BALITA: 2021 National Observance of the Filipino Values Month
Tunay ngang maraming hamon sa buhay ang ating kinaharap sa panahong ito. Hindi lamang ng ating bansa, pati na rin ng buong mundo. Isa sa mga suliranin ng buong mundo ay ang pagsasara ng mga establisimyento sa halos lahat ng lugar sa bawat bansa na siyang naging sanhi ng kagutuman sa bawat tao sa mundo dahil sa kawalan ng trabaho ng mga tao. Malaki ang epekto ng pandemyang ito sa mga Pilipino dahil kasabay nito ay mga problema sa pagiging makatao ng bawat isa sa kanilang mga kapwa, pagkakaisa, at marami pang iba.
Ang mga hamong ito ay siyang naging sanhi ng pagkawala ng pagkakaisa ng mga pilipino lalo na sa panahon ng pandemya. Naging magulo lalo ang bansa dahil ang mga tao ay kani-kaniyang paniniwala at pakialam sa kanilang sarili at nawala na sa kanila ang pagtulong sa kapwa na nangangailangan rin ng tulong.
Sa taong ito ay ang ipinagdiriwang ang 2021 National Observance of the Filipino Values Month na may temang “Pagpapaunlad ng Pagkatao,
Tulad ng nakasaad sa temang ito, ang pagpapaulad ng pagkatao ay isa sa naging isang hamon sa panahong ito dahil ang bawat tao ay may ibat ibang pinagtutuunan ng pansin at sa paglipas ay nakalimutan na rin nilang kailangan din nating pagtuunan ng pansin ang ating mga sarili para sa ating pag-unlad. Magagawa natin ito sa pamamagitan ng pag pokus sa ating pagkatao at isiping mabuti kung paano ba natin ito mapapaunlad para sa ating kabutihang panlahat.
Ang pakikipagkapwa ay isa rin sa mga hamon ng pandemyang ito dahil sa mga pangyayari ay nakalimutan na nating makipagkapwa. Marahil iniisip natin ang ating pansariling kapakanan lamang at hindi nating iniisip ang kalagayan ng ibang tao. Kung sila ba ay nasa mabuti ring kalagayan o sila ay nahihirapan nang masolusyonan ang kanilang problema dulot ng pandemya
Ang pakikipagkapwa ay isa rin
Ang pakikipagkapwa ay isa rin sa mga hamon ng pandemyang ito dahil sa mga pangyayari ay nakalimutan na nating makipagkapwa. Marahil iniisip natin ang ating pansariling kapakanan lamang at hindi nating iniisip ang kalagayan ng ibang tao. Kung sila ba ay nasa mabuti ring kalagayan o sila ay nahihirapan nang masolusyonan ang kanilang problema dulot ng pandemya.
Pananampalataya, marami sa atin ay nawawalan ng pag-asa dahil sa mga matitinding pagsubok na dumaan. Ito’y marahil napapalayo tayo sa ating Panginoon na siya natin dapat pagkatiwalaan sa mga oras ng pangamba. Marami pang pagsubok ang kailangan natin malagpasan. Ngunit tayo’y marapat
Sa padaan ng mga pagsubok at hamon na ito sa pandemya, huwag natin kalimutan na ang Diyos ay kailangan natin upang masugpo at mawakasan natin ang mga pagsubok na ito. Palagi tayong
Isinulat ni Albert Josef Borja Gorospe
Comments
Post a Comment