KOLUM: Iilang suliranin sa Paaralan, dapat nang aksyunan!
Ang mga kalat ng basura, mainit na silid at mababahong palikuran ay isang isyu na kinakaharap ng maraming eskwelahan. Dapat bigyang pansin at aksyunan ito upang mas maging kumportable hindi lamang ang mga guro at estudyante kundi ang iba pang mga tagapangasiwa nito. Nararapat lamang na ito ay gawan ng paraan dahil maraming estudyante ang maapektuhan nito. Bilang isang mag-aaral, nakakaapekto ito sa akin lalo na at napakainit at maraming estudyante sa loob ng silid. Maaaring sumakit ang ulo ng mga estudyante at guro dahil sa kakulangan sa bentilasyon lalo na sa mga pampublikong paaralan. Mangyari na lamang na gumawa ng patarakan ang mga lider na alinsunod sa pag hihiwalay ng basura at maayos na pagtatapon nito. Ang nangangamoy na palikuran ay isa ring suliranin na dapat lutasin. Ako rin ay nakaranas na makaamoy ng mabahong palikuran kahit na nasa malayuan. Nararapat lamang na buhusan at linisin natin ang palikurang ginamit natin upang hindi tayo makalanghap ng hindi magan