Posts

Showing posts from August, 2023

Ika-51 taong pagkatatag ng Pinagsanib na Paaralang Timoteo Paez, ipinagdiwang

Image
  Matagumpay na ipinagdiwang ang ika-51 taong pagkakatatag ng Pinagsanib na Paaralang Timoteo Paez (TPIS) na may temang: Kaagapay sa Matatag na Pagbangon ng Pamayanan sa pangunguna ni G. Amor P. Dugay, punongguro sa Junior High School katuwang si G. Zacharias M. Bangayan, punongguro sa Senior High School. Dinaluhan din ito ng mga puno sa bawat kagawaran, mga guro, mga kawani, Alumni, SPTA at mga panauhin. Ginanap ito sa covered court ng TPIS noong ika-24 ng Agosto, 2023. Hindi matatawaran ang suporta mula sa mga panauhing dumalo at nagbigay-mensahe ukol sa pagdiriwang gaya nina G. Ryan M. Aguinaldo (Gran Logia Nacional De Filipinas) at Hon. Arnel Eustacio Angeles (Direktor ng MDRRMO). Kabilang sa programa ang pag-aalay ng mga bulaklak at halaman, muling pagsasariwa ng buhay ni Timoteo Paez sa pamamagitan ng inihandang bidyo, pag-awit ng Himno ng Timoteo Paez, pagpapakita ng natatanging bilang mula sa piling guro at pagbibigay ng pampinid na pananalita ni Gng. Eileen Marie C. De L

BALITA: Buwan ng Wika, matagumpay na nailunsad

Matagumpay na nailunsad ang Buwan ng Wika ng Pinagsanib na Paaralang Timoteo Paez mula Agosto 31 hanggang Setyembre 18 na may temang "Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan." Sinimulan ang opisyal na pagbubukas ng buwan ng wika noong Agosto 31 sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mga maaaring salihan na paligsahan para sa baitang 7 hanggang 10.  Binuksan ang mga paligsahang Digital Poster making (baitang 7), Tugtog ngayon, Sayaw noon (baitang walo), Salin Awit (baitang siyam), at Wall Art Attack (baitang sampu).  Inanusyo ng mga tagapagdaloy na sina Stephanie Rain Pastrana at Xedrick Muriel noong pagwawakas ng buwan ng wika ang mga mag-aaral sa bawat baitang at seksyon na nagwagi sa mga patimpalak. Pinangunahan naman ng mga guro sa Kagawaran ng Filipino ang pagsasabit at pagbibigay ng mga medalya at sertipiko sa mga mag-aaral na nanalo sa apat na patimpalak. Humataw din ang mga guro ng Kagawaran ng Filipino na nakasuot ng filipinia