Posts

Showing posts from July, 2023

BALITA: GAD capability building, dinaluhan ng Teaching & Non-teaching Personnel

Image
Hindi napigilan ng masamang panahon ang mga guro sa Junior at Senior High kasama ang lahat ng non-teaching personnel sa ginanap na Gender and Development (GAD) Capability Building sa Caliraya Resort Club Inc. sa Lumban, Laguna noong ika-14 ng Hulyo, 2023. Naging matagumpay ang isinagawang GAD Capability Building bilang tugon sa inilabas noong Hulyo 18, 2013 na DepEd Order 27, s. 2013 o Guidelines and Procedure on the Establishment or DepEd Gender and Development (GAD) Focal Point System (GFPS) at the Regional, Division and School Levels sa pangunguna ni G. Sonny D. Valenzuela, kasalukuyang punongguro ng Pinagsanib na paaralang Timoteo Paez. Ang layunin nito ay palawakin ang pagsasanay sa pagiging sensitibo, pagsusuri, at pagpaplano sa kasarian pati na rin ang pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga batas, patakaran, at tool na nauugnay sa GAD. Masama man ang panahon ay naging makabuluhan naman ang inihandang aktibidad na sumubok sa pagkakaisa ng magkakaibang departamento na pi

BALITA: Pagkilala sa mga natatanging mag-aaral, iginawad ng TPIS

Image
NATATANGING MAG-AARAL. Hinirang ang 10 mag-aaral mula sa baitang 10 bilang top 10 sa buong batch ng 2022-2023 noong ika-7 ng Hunyo, 2023 sa Timoteo Paez Integrated School. Matagumpay na naisagawa ang paggawad ng sertipiko ng pagkilala at medalya sa lahat ng mga natatanging mag-aaral mula baitang 7 hanggang baitang 10 na nagpakita ng dedikasyon sa akademiko at iba’t ibang larang na kinabibilangan kasama ang kani-kanilang magulang kahapon ika-7 ng Hulyo, 2023 sa ganap na ala-7:00 ng umaga sa Covered Court ng Pinagsanib na Paaralang Timoteo Paez. Emosyonal na sinariwa ng panauhing pandangal na si Bb. Janice Tabada ang pagbabalik-tanaw niya sa kaniyang alma mater na hindi niya inaasahan kahapon ay tatayo siya sa harap ng maraming mag-aaral upang magbigay ng inspirasyonal na mensahe gayong batay sa kaniya ay hindi siya ang pinakamagaling na mag-aaral noong kapanahunan niya ngunit binigyang-diin niya pa rin ang kahagalahan ng edukasyon at gaano nito binago ang kaniyang buhay sa pamamagitan