Posts

Showing posts from May, 2023

PAGSASAPUBLIKO NG PAHAYAGAN: TAON MMXXIII BLG. 1

Image

EDITORYAL: Hindi masamang ipagmalaki, piliin lang

Hinihikayat ng Department of Education (DepEd) na iwasan ng mga magulang o kaanak ang pagsasapubliko ng mga report card, Identification card, certificate of recognition na naglalaman ng mga pribadong pagkakakilanlan ng indibidwal na makikitaan ng pirma. Nararapat lamang na ipagmalaki subalit dapat isiping ang mga impormasyong kanilang ibinabahagi ay maaring gamitin ng ibang tao sa hindi magandang pammaraan. Alam niyo ba ang batas na Republic Act 10173 o Data Privacy Act? Ito ay batas na nagbibigay ng proteksyon sa bawat indibidwal ukol sa mga taong nagnanakaw ng identidad ng isa pang indibidwal. Ang sinumang lalabag dito ay makukulong ng anim na buwan at magmumulta ng limang milyong pisong halaga. Ang report card ng isang mag-aaral ay naglalaman ng Learner Reference Number (LRN) kung saan nakalagay ang record niya sa kaniyang paaralan maging ang mahahalagang impormasyon tungkol sa kaniya, gaya ng petsa ng kapanganakan, tirahan, pangalan ng magulang atbp. Isiping baka magpanggap na kam

BALITA: Sustainable development goals, isinusulong!

  T. PAEZ, HANDA NA BA KAYO? Dinayo ng mga hapon ang paaralang T.Paez upang umpisahan ang paparating na Japan and Philippines Intercontinental Exchange 2023, ngayong Hunyo. Photo credit: Hanieley Banaag. Matagumpay na naidaos ang pulong tungkol sa Sustainable Development Goals (SDG) kasama ang mga panauhing dalubguro mula sa Japan at punongguro ng Timoteo Paez Integrated School (TPIS) noong ika-26 ng Mayo taong kasalukuyan sa ganap na alas-4:00 ng hapon sa Conference Room ng paaralan, ito ay upang masimulan ang Japan and Philippines Intercontinetal Exchange 2023. Layunin ng proyektong ito ang malalim na ugnayan at pag-unawa ng kultura, pandaigdigang pagkamamamayan at pagtutulungan sa pagkatuto sa mga mag-araal ng parehong henerasyon sa dalawang bansang sangkot sa pulong. Ang mga panauhing kasama ni G. Sonny D. Valenzuela, kasalukuyang punongguro ng TPIS ay sina G. Yasuhiro Uto, G. Toshihiro Hagashi, at G.   Toshihiro Ueda na mula sa bansang Japan. Katuwang ng punongguro sa mai