Posts

Showing posts from April, 2023

AGHAM: Magtanim ay 'di biro

            Minsan ba'y iniisip mo rin kung kailan kaya matatanggap ng ating mga magsasaka ang karapat-dapat na pagtrato? Ako kasi, oo. Hindi ko mawari kung bakit tila sila'y palaging ipinagsasawalang-bahala at nilalagay sa dulo.   Ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural bunga ng pagkakaroon nito ng masaganang likas na yaman. Talaga nga namang nakakaangat ang mga Pilipino kung yamang-likas ang pag-uusapan.   Sa kabila ng pinagpala nating kapaligiran, pagdating naman sa lagay ng ating agrikultura, makikita rito ang iba't ibang suliranin na patuloy pa ring bumabagabag sa atin. Ilan na lamang dito ang mababang presyo ng produktong agrikultura, pagdagsa ng dayuhang produkto, at kakulangan ng makabagong kagamitan at teknolohiya sa pagsasaka. Tunay nga naman na ito'y nakakabahala, hindi ba?   Napapansin niyo ba na ang ating mga magsasaka ang siyang kumikilos upang mayroon tayong maihahain at makakainin sa ating hapagkainan ngunit tila sila rin ang madalas na lubog s

EDITORYAL: Extended pa, rehistrasyon ng simcards

Photo credit: https://newsinfo.inquirer.net/1754455/dict-only-36-79-percent-registered-sims-as-of-april-7   Extended pa, rehistrasyon ng simcards Naka-register na ba ang sim card mo? Ito ang tanong sa ipinasa na batas ng senado ukol sa subscriber identity module (SIM) ng Republic Act No. 11934 o “an act requiring the registration of all users of prepaid subscriber identity module (SIM) cards” o mas kilala sa “SIM Registration Act” para labanan ang lumalaganap na scam at kung ano pang mga masamang gawain gamit ang sim card number .  Samantala, may mga ibang organisasyon at indibidwal pa rin ang patuloy na nagpahayag ng kanilang saloobin at pagkabahala ukol sa kanilang pribado at seguridad ng numero lalo pa't sa pagpaparehistro ay kakailanganing magbigay ng personal na impormasyon. Ayon naman sa pahayag ng privacy international, ang "Sim Registration Act" ay hindi naging maganda ang epekto sa pagpapabawas ng krimen bagkus ito ay mas lumala pa sa pamamagitan ng online tra