Posts

Showing posts from March, 2024

KOLUM: Saan na nga ba ito patungo?

Image
            Sa gitna ng lumalaking usapin sa pagtatayo ng mga resort sa loob ng Chocolate Hills, isang UNESCO Heritage Geopark sa Bohol, maraming mamamayan ang nagulat sa naturang pangyayari. Binigyang-diin ni Senator Christopher “Bong” Go na mahalagang mapalakas ang turismo ngunit dapat na sundin ang mga batas sa kapaligiran upang protektahan ang Natural Heritage sites sa bansa.           Ani pa ni Go, “Ako po’y nananawagan, kung kailangan nating imbestigahan ito, check nating mabuti. Importante po ang pagprotekta sa environment.” Idiniin din ng senador na “Balensehin po natin. Gusto natin ng turismo, ngunit protektahan muna ang kapaligiran.”           Binigyang halimbawa ni Go ang Boracay, kung saan ang kawalan ng pagsunod sa mga regulasyon sa kapaligiran ay humantong sa malaking pinsala sa ekolohiya. Diba? “Noong una, ‘yung Boracay, maganda. Pero hindi sinusunod ‘yung tamang environmental regulations. So, maraming na-violate. Nakita n’yo, ang dumi, kahit saan na lang ‘yung drainage,