LATHALAIN: DepEd Order No. 049, s. 2022, Mga hakbang na dapat tandaan sa pakikipag-ugnayan ng mga guro sa mag-aaral
Ang pakikipag-ugnayan sa guro ay isang mahalagang bahagi ng pag-aaral. Ang guro ay hindi lamang tagapagturo ng kaalaman kundi pati na rin tagapayo at tagagabay sa mga estudyante. Kaya naman, mahalaga na makipag-ugnayan nang maayos sa guro upang makakuha ng magandang samahan at suporta. Ngunit kamakailan lamang, inilabas ang Department of Education (DepEd) ang DepEd Order No. 049, s. 2022 noong ika-2 ng Nobyembre, 2022 upang amyendahan ang naunang inilabas ukol sa Amendments to DepEd Order No. 047, s. 2022 (Promotion of Professionalism in the Implementation and Delivery of Basic Education Programs and Services) . Ito ay naglalayong magbigay ng mga alituntunin sa pagpapalaganap ng propesyonalismo sa pagpapatupad at paghahatid ng mga programa at serbisyo sa batayang edukasyon. Ayon sa DepEd Order No. 049, s. 2022, ang mga guro, hindi nagtuturong-tauhan, at empleyado ay dapat iwasan ang mga relasyon, interaksyon, at komunikasyon, kasama na ang pagsunod sa social media s