BALITA: Campaign launching of Safe To Face para sa paghahanda sa f2f classes
Matagumpay na naisagawa ng T. Paez Integrated High School noong nakaraang Enero 12, 2022 ang Campaign Launching of Safe to Face para sa paghahanda sa ligtas na pagbabalik-eskwela ng mga Paezians. Pinangunahan ang programa ng mga piling mag-aaral mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila sa pakikipagtulungan sa TPIS. Ngunit maaari at ligtas na bang magsagawa ng face-to-face classes ang nasabing paaralan? Sa kasalukuyan, pababa nang pababa ang kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Maynila. Bilang paghahanda sa ligtas na face-to-face classes ay mahigpit na tinagubilin ng paaralan na dapat ay bakunado na ang mga guro't empleyado, gayundin ang mga bata, pagmonitor ng temperatura ng lahat nang pumapasok sa paaralan, pananatili ng hindi bababa sa anim na talampakan o dalawang metrong distansya, pagpapaigting ng no mask no entry policy, pagkakaroon ng mga sanitary stations sa mga sulok ng paaralan na may sapat na alcohol, sabon at tubig, nararapat ding maipasunod ang tamang bilang ng mga