BALITA: 2021 National Observance of the Filipino Values Month
Tunay ngang maraming hamon sa buhay ang ating kinaharap sa panahong ito. Hindi lamang ng ating bansa, pati na rin ng buong mundo. Isa sa mga suliranin ng buong mundo ay ang pagsasara ng mga establisimyento sa halos lahat ng lugar sa bawat bansa na siyang naging sanhi ng kagutuman sa bawat tao sa mundo dahil sa kawalan ng trabaho ng mga tao. Malaki ang epekto ng pandemyang ito sa mga Pilipino dahil kasabay nito ay mga problema sa pagiging makatao ng bawat isa sa kanilang mga kapwa, pagkakaisa, at marami pang iba. Ang mga hamong ito ay siyang naging sanhi ng pagkawala ng pagkakaisa ng mga pilipino lalo na sa panahon ng pandemya. Naging magulo lalo ang bansa dahil ang mga tao ay kani-kaniyang paniniwala at pakialam sa kanilang sarili at nawala na sa kanila ang pagtulong sa kapwa na nangangailangan rin ng tulong. Sa taong ito ay ang ipinagdiriwang ang 2021 National Observance of the Filipino Values Month na may temang “Pagpapaunlad ng Pagkatao, Pakikipagkapwa, at Pananampalataya: M